Thursday, October 29, 2009

I never thought...

Akalain mo nga naman! Akalain mo yun? Ano?

Akalain mong ggraduate na ko, tapos na birthday ng ate ko, magbibirthday ka na, nag-update na ako ng blog, natapos ko na ang napakadaming paper works, naicheck ko na lahat ng accounts, magbbirthday na rin ako...

NANDIYAN KA PA RIN PALA!

Ang tatag mo! At ang lakas-lakas mo nga! Hindi ka nga basta-basta sumusuko... kahit wala ka naman nang ipinaglalaban.

Ang tagal kong nawala, ang haba ng oras ko sa trabaho't pag-aaral, na-miss nga kita eh. Alam kong wala na 'kong dapat pang balikan dito sa cyberlife at kung meron man, hindi ikaw 'yun. Pero bigla-bigla kang sumasagi sa isip ko, kung kamusta ka na kaya...

tapos malalaman ko na lang, tsk tsk... GANYAN???

Ano? Ano ba? Humarap ka nga sa salamin. Kilala mo pa ba ang nakikita mo? Alam mo sa sarili mong hindi na ikaw yan!

Ang makasakit ng kapwa... natural 'yun, minsan hindi natin nalalaman nakakasakit na pala tayo, pero ang saktan ang sarili... sobrang beyond na yan! Umalis ka sa kinalalagyan mo, alam mo kung bakit? Natapakan mo na utak mo eh.

Ako, gustong-gusto kong magalit. Pakiramdam ko nasa akin lahat ng karapatan para magalit sa 'yo. Sino ka para gawin yan sa sarili mo? Ikaw ba ang nag-iri sa sarili mo at nagpakahirap para maging ganyan ka ngayon? Ikaw ba ang bumuo sa sarili mo? Ikaw ba ang nagbigay ng dahilan kaya ka nabuhay? IKAW BA???

Ang kapal, kapal, kapal, kapal... ng mukha mo!!! NAGAGALIT AKO... OO...!!! Hindi ganito ang inaasahan kong balita na sasalubong sa akin. Ikaw mismo ang sumisira ng tiwala ko sa 'yo. Bakit ganyan ka na?

Ang kapal ng mukha mo para unahan ako, ako may sakit dito ah! Makikipag-unahan ka pa. Gusto mo lagi kang sikat.

Gagawa-gawa ka ng katarantaduhan, hindi mo kayang labasan. Wala ka. Tama, you're such a loser! I just never thought how much...

Naku! Naiinis ako. Gusto kitang icomfort pero mas gusto ko yatang magalit na lang. Isa lang kailangan mo, SALAMIN! Wala yata masyadong nakakalat diyan sa bahay niyo.

Ano nakikita mo sa salamin?

Kapag ba tumitingin ka sa salamin, hindi mo napipicture sa isip mo yung "mga" taong humahanga sa 'yo? Hindi mo ba nakikita yung mga taong umaasa sa pagmumukha mong yan? Hindi siguro ako magagalit nang ganito kung mukha kang basura talaga eh. Hindi ka naman disabled, midget ka nga pero nasa lugar ka naman ng mga midgets din.

Mag-isip isip ka. I want to end this post right now... may gagawin pa kasi ako. Ito na lang, may iiwan ako sa 'yong dalawang tanong. Sobrang simple na hindi mo na kailangan pang pag-isipan pa...


1. Sinong mas gusto mong makasama: Siya o SHA?


Trivia:
When you were in late high school, you were asked to tell your ultimate dream in life and you answered...

to be with My Creator someday.


2. Now, can you still remember your dream?