Yex Yex Show
(From Yex's story)
Main character: Gilbert
Supporting characters:
Yex
CJ
Jem
Louie
===
Dec 16, '08
Early in the morning
CJ: (texting) mgsipunta kau ah,, bday anak qu,, pmunta gus2 pmunta,, ung ayw,, di wag!! tnx,,
Afternoon
CJ: Ang aga niyong dalawa ha, bakit kayo lang? (talking to Jem & Yex)
*no one answered*
CJ: Nice talking. Gusto niyong palayasin ko kayong lahat dito?
Jem: (while reading BREAKING DAWN) They're outside.
CJ: Sino?
Jem: Louie and Gilbert
CJ: Anong ginagawa nila sa labas?
*no one answered again*
CJ: Huy! Pupunitin ko yang binabasa mo
Jem: Ewan ko! Bakit kasi ako yung tinatanong mo nakikita mo nang nagbabasa ako eh
CJ: Eh sino tatanungin ko
Jem: Ayan si ye-
CJ: Oh TULOG! di ba? Oi Yexel gumising ka nga diyan baka masipa kita ng wala sa oras
Yex: *yawn* Nandun sa labas naghanap ng mapapaloadan
Jem: Naririnig mo pala kami bwisit na 'to
CJ: Tara na punta na tayo sa venue, iiwan ko sila dito
*noise*
CJ: Oh ayan na pala sila eh. Tara na alis na tayo, susunod na lang daw sila Mac dun.
Louie: Let's go!
Gilbert: Wait (looking at Jem's book) that was the fourth book 'di ba? Twilight, New Moon, Eclipse and that one
Jem: *nodded*
Louie: Tara na, tayo na diyan Jem
Jem: Mamaya tapos ko na 'to, tara!
CJ: Yexel gising na kasi
Louie: Tayo na ui!
Jem: (opened the book again) Last three chapters na lang
Louie: Ang tiyaga niyo talaga magbasa ng mga ganyan
CJ: Sila lang ah.
Louie: Sino pa ba nakabasa niyan? Yung ate ko binabasa rin yan. Dunno why.
CJ: Yan si Jeremy tska si Yexel. Si Alfred, si Mac, sila sila.
Louie: Maganda yata eh
GILBERT: Ano ba kasing meron diyan sa breaking DOWN na yan at gustong-gusto nila basahin, ang kapal-kapal naman
*silence*
YEXEL: (woke and stood up) breaking down? parang kanta lang ah... london bridge is breaking down, breaking down, breaking down. Haha. Tara na, nagigising ako sa mga joke ni Gilbert eh. *laughs*