Alfred's dorm.
CJ: (playing PS3) Jem ayoko na yan
Jem: (playing too) sige, teka. Al, nasan na yung iba mo pang bala?
Alfred: Nasa baba niyang drawer na yan. 'Wag kayo masyado maingay, nag-aaral kapatid ko.
CJ: Si yexel oh, busy sa PSP parang ngayon lang nakahawak ng PSP
*after 30 mins*
Jem: ayoko na maglaro, kayo na oh
Gilbert: ako naman. Palitan mo creeps, ayoko niyan
CJ: Pili ka dun
*noise*
KNA (Kapatid Ni Alfred): Kuya, ano capital ng Australia?
Alfred: Ewan ko nakalimutan ko na yan! Hanapin mo sa libro mo
KNA: Wala nga dun eh.
Alfred: Meron 'yun.
CJ: Capital lang ng Manila alam ko eh, ay Philippines pala. Haha. Tignan mo tanga ako, hindi kita matutulungan. Wala si Jeremy nasa labas eh, baka alam niya yan.
Alfred: Oi Yex, ano nga ba ulit capital nun?
Yexel: (deadma)
Alfred: 'Di ko alam eh. Tanong mo sa kanila.
Gilbert: Alin? Ano ba 'yun?
KNA: Capital po ng Australia
Gilbert: Australia, Sidney. Sidney 'di ba?
CJ: Ay oo, Sidney nga pala. Sidney yata.
Alfred: Ewan ko, hindi yun alam ko eh.
CJ: Parang mali nga.
KNA: Ano po ba?
Gilbert: Tama yun! Sidney nga. Sulat mo na Sidney.
KNA: Sure po kayo?
Gilbert: Oo naman.
KNA: Thank you po.
*KNA exits*
Yexel: Oi oi oi... psstt sstt Amber (KNA) AMBER!! Lika dito
Alfred: Ber tawag ka
KNA: Bakit po?
Yexel: The capital city of Australia is Canberra, it's never been Sidney. Okay? Erase that. Sorry ha, I'm playing kasi eh. Lika, let's do your assignment.
Gilbert: Sidney, pre.
Yexel: (deadma)