Fear? Fear? Lagi ko naman sinasabi na wala akong fear. Feeling ko I'm so strong and nothing can bring me down. Quite fake no? Hahaha.
Familiar naman ako sa mga kinatatakutan ko. Kinatatakutan not in the sense na naduduwag ako or the likes, hindi ganon. I just don't like it to happen without any preparation. PREPARATION? Ang arte nakakainis. Hahaha. Ayaw ko lang talaga ng nashoshock ako, kasi natutulala ako eh tska nawawala yung mga naiisip ko.
Bakit ko nga ba sinasabi 'to? Yung gf ko kasi kagabi, magkausap kami. Sabi niya saglit lang daw, she's going to be back after doing some stuffs. Eh di naghintay naman ako. Ang tagal ko nga naghintay, sabi 8:00 PM Phil time, pero 8 na wala pa rin siya. Pero bumalik din naman siya, ewan ko kung anong oras na yun.
Pagkabalik niya, bigla siyang nag-pm. Hindi ko na masyado maalala yung pini-m niya pero ang natatandaan ko na lang ".... ...kakausapin ka ni mama.... ..."
Naku kinabahan talaga ako. Ang bilis magsend ng neurons ko. Pagkabasang-pagkabasa ko ng "...mama..." kinabahan agad ako. Hahahaha. Nakakatawa talaga, it's just a usual thing for me. Ok lang din naman, sana man lang sinabi mo sa 'kin mine para nakapag-warm up ako dito 'di ba? Haha.
Hindi ko kasi alam bakit lagi akong natatakot sa mga parents of people around me lalo na siyempre sa parents ng gf ko. Haha. As much as possible, I don't want to talk to them. Hahaha. It makes me nervous to death. Hindi na talaga ako nasanay, ewan ko nga rin kung bakit. Ang creepy para sa 'kin ng ganito.
Nakakatawa no? Hahaha.