Una, wala ang ate ko ngayon dito. Wala akong mapagtatanungan kung anong tagalog ng ganito o ganyan, tama ba ito o hindi. Wala. Tulog pa ang ate ko. Anong oras pa lang dito, hindi pa sumisikat ang araw.
5:20 am. Baka may multo. Buti na lang, hindi ako takot sa multo.
Pwede kitang iligtas sa mga multo. At sa pagkakaalam ko, hindi malas ang taon ng mga kabayo ngayon. Noong nakaraang taon 'yun.
Kaya 'wag kang mag-alala. :)
Gusto kong humingi ng paumanhin sapagkat hindi tayo nagpang-abot kahapon. Kinailangan ko lamang pumunta sa ospital para sa ilang pagsusulit.
(Natatawa ako sa sarili ko. Hahaha. Tama ba mga sinasabi ko?)
Tagalog. Hindi ako magaling sa lenguaheng 'yan pero pinag-aaralan ko na nga para magkaintindihan tayo. May mga salita lang talaga na hindi ko alam kung iniimbento niyo lang o meron talagang ganon. Ang hirap kasi sa inyo, mga pauso kayo. Haha.
Pero aminin niyo, ang galing ko na no?
Asahan niyong mas gagaling pa ako sa darating na panahon. Lahat ng sasabihin niyo, maiintindihan ko. Hindi niyo na ako pagtatawanan.
Ngayon ko lang 'to gagawin...
Gusto kong lumikha ng tula
Tulang mula sa iyong mukha
Ngunit hindi sapat
Ang talento kong salat
Nais kong isulat
Ang sinisigaw ng utak
Ngunit hindi ko mabuo
Ang mga letrang mula sa puso
Hindi man makalikha
Kahit makabuluhang talata
Hindi man makasulat
Dahil sa kaalamang 'di sapat
Nawa'y natuwa ka rito
At nagustuhan mo
Sapat na ang ngiti
Na galing sa iyong labi
'Wag niyo na lang akong pagtawanan. Malayang taludturan 'yan. Hahaha. Hindi talaga ako nagtanong sa ate ko. Gawa ko yan, ng ako lang talaga at walang tulong ng iba. Tignan niyo, walang pinatunguhan. Haha. Hindi masyadong nakakaantig ng damdamin.
Pero sinubukan kong gawin, para sa 'yo. :)